Friday, June 29, 2012

Is it INSECURITY?


I have a student who always wears a smile in her face whenever I see her. She possesses beauty and brain; she actually joins in competitions that highlight both brain and body. She belongs to the class assigned to my guidance. Together with her classmates, I can perform well since they carry with them their uniqueness and are all willing to share their talents whenever time calls. Although, I cannot say that I completely know her fully within a mere ten months linked by our teacher-student relationship but in that range, I learned what she is capable of doing.

Inside the classroom, there is always a barrier between the students and us teachers but outside the room, we are all friends and always throw jokes whenever there is a chance. Now that I can no longer enter their class, there are moments when I am wishing that time would permit me to at least, see them.

Anyhow, one day when I opened my Facebook to check if someone added me or if there are notifications, a name that is familiar to me sends me a friend request. The name is actually the name of the girl I was talking earlier. This girl is already a friend so in my mind are questions needing answers. My initial action was not to approve the request but instead send a message to her via FB message, asking if she created a new account.

While waiting for her reply, I viewed the profile of this account and I was actually shocked with all her posts, if she were a stranger, I would think that she is too vulgar to post pornographic materials in her wall. The same is true with the information provided about herself, it is as if she is selling her body for others satisfaction.

After few seconds I received her response telling me she has not created a dummy account. Actually, even without her reply yet I knew already that it was not her. She respects herself to post those scandalous photos. I reported the account to be copying a friend and blocked it finally.

A conclusion sinks and that incident simply suggests that there are those people living full of insecurities in their lives. I was thinking of reasons why someone would want to leave scratches in the life of this good student of mine. In addition, it is via Facebook, a very powerful tool to mislead other people. What was intriguing is that the copycat knows many important and trivial things about her. It goes to show that she knows this copycat of her and is just envious of her qualities.

Truly, in this world there are those who think badly that will do evil things behind the back of someone who cannot even defend and fight fair. There are those who acts friendly yet only wants somebody to fall in wasteland. Some performs foul without thinking of the effects their actions may offer.

I was furious since she is a dear friend. I do not want my treasured comrades to be treated that way. It is a fact that in this world there is always a battle we need to face. However, no one can win a battle when he/she is unaware of the fight. No one wants to lose, and I cling to that. After all, we are all FIGHTERS. Am I right?

Thursday, June 14, 2012

English 101

June 11, 2012 – Makalipas ang isang linggo simula ng mag-umpisa ang pasukan sa taong 2012-2013, ibinigay na ang mga asignaturang ituturo ng bawat guro sa aming paaralan. Bilang isang Physical Science major, alam ko na ibibigay sa akin ang Chemistry at Physics. Nakakatawa sapagkat ibinigay rin sa akin ang English 3 at English 4.

Being a teacher, I cannot refuse. What I can do is to study the lessons and try my best in relaying the topic convincingly and correctly. That same day, I entered the third year classroom as an English teacher and discussed the first topic in the reference book used by the students. I was able to survive that one hour which was like forever. I can speak English, yes, but there are terms used by English teachers that I do not know. Terms like objective case, nominative case, referent, and the like.

You might laugh at me but I will not stop you because in the first place I am also doing the same way. During my high school and college life, I was listening to my English teachers intently. But then again, many of my teachers would usually say, “You cannot give what you do not have.” What I have in my mind are force, power, motion, vector, velocity, work, waves, sound, light, heat, circuits, magnets, relativity, elements, and the like.

In front of my students, I am acting as if I know everything I am saying (this is necessary). However, they do not know that in my mind I am thinking of terms I am going to say. Likewise, I am thinking if I am making the topic clear to them. Pero kagaya ng nasabi ko na, ang maaari ko nalang gawin ay pag-aralan ang bawat lesson. Maaari rin akong magtanong sa iba pang guro. Ika nga, make use of your resources, ha-ha.

In like manner and without a doubt, I am confident that I am giving all the necessary information my students needed in subjects Chemistry and Physics inasmuch as that is my expertise. Anyway, this is just my first year of service in a public school; I still have a very long road waiting for me to lead through. There are plenty of rooms for improvement.

In this progression of time, while I am a teacher inside the classroom I am also a student every night I study the lessons. Moreover, just like my students, I will give grades to myself at the end of every quarter.

What is that subject? You got it right, English 101.

Saturday, June 9, 2012

Write Something, Create Life


Simula high school, madalas na akong nagsusulat ng kung ano-ano. Mga sulatin na ang iba ay nakatago pa hanggang ngayon, ang iba naman ay hindi ko na alam kung nasaan, at ang iba ay nailathala ko na sa blog na ito. Marami na kung tutuusin ngunit hindi pa rin ako nagsasawa na magsulat ng mga ideyang minsan ay pumasok sa aking isipan. Ang iba sa mga ito ay pawing walang katuturan ngunit sadyang wala akong pakialam, ako ay nagsusulat, tuldok.

Ngunit bakit nagsusulat ang karamihan sa mga tao? Ano ang pwedeng mga maging dahilan? Para saakin, nagagamit koi to para makipag-komunikasyon sa iba.  Nagiging daan ito para masabi ko ang mga bagay na mahirap sabihin para sa isang partikular na tao. Maaari ring para mailabas ko lang ang aking mga nararamdaman, maging ito man ay kasiyahan, kalungkutan, hinagpis, katagumpayan,kasawian,  pagmamahal, o kung ano pamang kadahilanan. May mga pagkakataon ring isinusulat ko ang mga pangyayaring nagaganap sa aking buhay, ito ay paraan ko upang malaman ng aking mga kaibigan kung ano na ang aking kalagayan. Malayo man ako sa kanila, alam nila kung ano ang aking mga nararamdaman.

Isa itong epektibong paraan diba? Napansin ko din na dahil sa aking mga sulat nababalikan ko kung ano man iyong mga bagay na naganap sa aking buhay sa mga nagdaang panahon. Nababalikan ko ang mga sandaling ako ay punong puno ng kasiyahan o iyong mga panahong galit ako sa mundo. Nakakatawa man pero totoo ang mga iyon. Naalala ko na sa nakaraang taon, nailathala ko dito ang aking sama ng loob sa isang tao. Natatawa nalang ako kapag iyon ay aking nababasa, puno ng drama talaga ang buhay ng tao, haha.

May positibong naibibigay din sa akin ang pagsusulat. Nabibigyan nito ako ng paraan para makapag-isip at mag-reflect sa mga bagay-bagay na nagaganap sa aking buhay. Inilalabas nito ang iba pang dimension ng aking pagkatao. Nagagawa nitong harapin ko ang aking mga takot, maramdaman ang pagmamahal, at matawa sa mga biro.

Ang mga sandaling nagagamit ko sa pagsusulat ay mas mahalaga kaysa sa mga panahon nakaupo lang ako at nanonood ng mga walang kabuluhang palabas o mga panahong ako ay walang ginagawa at natutulog lang. Sa pagsusulat ko, naitutuwid ko ang mga pagkakamaling nagawa o nalalaman ko ang mga bagay na dapat ko pang gawin. Iyon ay dahil sa nabanggit ko na, REFLECTION.

Hindi man ako magaling magsulat ngunit ipagpapatuloy ko ito. Ang importante, wala akong natatapakang ibang tao. Kung ako man ay galit sa ibang tao, isulat ko man ang kanilang mga ginawa ay hindi naman nila malalaman ang pangalan. Alam ko rin kasi na hindi lahat kailangang isulat. Ika nga, “may limitasyon.”

Isusulat ko ang aking buhay, maglalathala ako ng mga istorya, mga tula, at kung ano-ano pa. Wala namang masama, hindi po ba?

Saturday, June 2, 2012

That Feeling When Someone Acknowledges You

Pilit ko mang pigilan ang pagsapit ng panahon na matatapos na ang bakasyon, wala na akong magagawa sapagkat heto na naman ang pasukan. Magsisimula na naman ang mga araw na maagang gigising at maghahanda para sa mga ideyang ituturo sa isang buong pangkat ng mag-aaral na nagnanais makarinig at mag-impok ng kaalaman sa kanilang murang isipan. Heto na, balik ang lahat sa paaralan.

Subalit hindi iyan ang punto ko. Sa nakaraang dalawang buwan na bakasyon, napakaraming nangyari. Nariyan na ang mga araw na ang dala ay sobrang init, mga sandaling walang magawa kung hindi ang manood ng telebisyon, mga pagkakataong ang tanging hiling ay sana pasukan na ulit. Sa dalawang buwan na iyon, ang aking atensyon ay nakatuon sa isang cartoon series na buhat sa mga Hapon. Naruto Shippuden ang pamagat nito.

Inumpisahan kong manood nito sa episode one ng Naruto Shippuden patungkol sa paglalakbay ni Uzumaki Naruto para maging isang Hokage at maibalik sa Konoha ang kaibigan at kasama sa pangkay niyang si Sasuke. Naghanap rin ako ng mga impormasyon at nalaman ko na ikalawang parte na ito ng Manga Series, at ito’y pagpapatuloy ng Naruto Series pakalipas ng dalawa at kalahating taon.

Minsan na akong nakita ni mama na nanonood ng walang tigil at pinagalitan pa ako sapagkat hindi ko man lamang daw pinapahinga ang aking mata at ang laptop. Dagdag niya pa ay para daw akong bata para manood niyon. Subalit gustuhin ko man na itigil ang panonood, hindi ko magawa. Kagaya ng hindi ko pagtigil sa paglalaro ng table tennis kahit ako’y sobrang pagod na. Kagaya rin ng hindi ko maputol na pagbabasa ng mga libro ni JK Rowling.

Kung titignan ang mga episodes nito ay parang isa lamang simpleng palabas na napakatagal matapos at puro labanan lamang ang ipinapakita. Subalit aking tinignang mabuti kung ano nga ba ang totoong nais iparating ng anime na ito? Bakit hindi tumitigil si Naruto na pigilan si Sasuke na sumama kay Orochimaru? At kahit si Sakura ay ganoon rin ang nararamdaman? Napakaraming tanong na nais kong masagutan.

Lahat ng katanungang mayroon ako ay tila nasagutan sa season one pa lamang ng serye. Kung ikaw ay nanonood nito, alam mo na si Naruto sa umpisa ay laging nag-iisa at walang kaibigan sapagkat ang Kyuubi ay nasa kayang katawan na inilagay ng kanyang ama para makontrol ang kapangyarihan nito. Dahil doon, siya’y kinatatakutan ng marami. Ngunit sa taglay na determinasyon ni Naruto ay nagawa niyang makipagkaibigan sa maraming tao at pinapakita sa palabas na marami ang nagmamahal ay may tiwala sa kanya. Pero bakit sobra-sobra naman yata ang ibinibigay niyang atensyon para kay Sasuke. Bakit?

Kung ikaw ay may kaibigan at siya ay malalagay sa kapahamakan, malamang ang gagawin mo ay iligtas siya lalo na kung ang turing mo na sa kanya ay parang isang kapatid.
“Sasuke acknowledges me more than anyone has ever does.” Iyan ang linyang sumagot sa aking mga katanungan.

Nakakatuwang isipin na kahit ang mga eksena sa cartoon na ito ay hindi makatotohanan, pilit ko pa rin itong sinusubaybayan. Nais kong malaman kung hanggang saan ang limitasyon ng “bond” ng kanilang pagkakaibigan. Gusto kong matunghayan kung ano ang gagawin ni Naruto upang maibalik si Sasuke sa Konoha. Mahirap man ang kanyang pagdaraanan, alam kong sa bandang huli ay mananaig pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan.

Isa pa sa mga gusting-gusto ko sa anime na ito ay ang mga nagagawa ng taong may mga pangarap. Bawat isa sa mga tauhan ay may mga pangarap at lahat sila ay nananatiling matatag sa pagtupad ng mga pangarap na ito.

Huli na ito, may isang eksena na hindi ko malilimutan. May linyang binitawan ang mga miyembro ng team ni Gai, “I will be stronger than I was yesterday.” Madaling sambitin ngunit parang ang hirap gawin. Iyan ang gusto kong subukan sa aking buhay. Hindi naman ibig sabihin ay magpapalakas ako sa pisikal na paraan, maaring sa ibang aspeto ng aking buhay. Maaaring iyan ay nagsasabi lamang ng halos kaparehong paraan ng mga katagang “make your weaknesses your strengths.” Maaaring bawat isa sa atin ay may iba pang interpretasyon, ang mahalaga ay kung ano ang gagawin natin upang mapabuti an gating pagkatao.

Ang Naruto Shippuden ay masasabing nilikha para sa mga manonood na bata, subalit hindi niyon limitado an gating mga paniniwala. Maaaring simple lamang ito para sa ilang mga nakakapanood ngunit ito’y maaaring nagbibigay ng inspirasyon sa iba.

Sa kasalukuyan, ako ay nasa season 6 pa lamang. Madami pa akong dapat panoorin. Magkaiba man kami ni Naruto ng mga pangyayari sa buhay, masuwerte ako sapagkat ipinanganak ako na maraming tao ang nagmamahal sa akin.

At least I know in myself that there are those who acknowledge my presence. Masarap sa pakiramdam sapagkat sila ang nagsisilbing dahilan kung bakit tayo ay patuloy na pinapabuti ang ating sarili at sinisikap na maging maligaya sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay.
It gives us comfort, right? When someone acknowledges us.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...