Showing posts with label Anime. Show all posts
Showing posts with label Anime. Show all posts

Saturday, August 18, 2012

Things That Make Me Excited

Now that I am already a grown man and is on my way of collecting triumphs and overcoming obstacles, there are still plenty of things that make me excited. These are random things; sometimes these are events, games, gatherings, or sometimes just whatever. The only thing that makes it different is that these are no longer those things that make me happy when I was still a small kid.

Here is a short list of those things, as far as the date today is concerned. I will mention all that I can think of.

       1. APMI-Pasacao’s Pista at Literatura. When I visited my former working place last July 25, 2012, the TIC asked me if I can render my time in becoming one of the judges in their celebration of Buwan ng Wika. If you’re in my place, you will never decline. It will be held on the 24th day of August, 2012. I am excited because some of the teachers I worked with last year will also becoming. It will be a great day for stories and laughter.

      2. Dragon City. This makes me act as a small kid again. It is a game app in Facebook wherein the player will hatch eggs of dragons; he will also breed the available dragons to acquire new ones. I am excited to go home every weekend because of this game.

    3. MNHS 3-in-1 Activity. This will be held on August 31, 2012. The events will be Buwan ng Wika, Awarding of winners in events during the Intramurals 2012, and Induction of GPTA Officers. I am excited for the second event.

    4. First Salary. Goodness gracious, I have been waiting for this. I am so broke. I can’t ask for more money from mama, haha. I also want to experience receiving high salary for the works I have done.

       5. Naruto Shippuden Episode 276 and onwards. I am so addicted to this anime series I always check the website every time have an internet connection.

    6. Naruto Movie: Road To Ninja. This was already released in theaters in Japan but not yet available online. I want to watch the movie now.

LASTLY…

     7. SCHOOL VACATION. Seriously! I wanted this that much. I want long rest but not yet to the extent of dying. I’m longing for the moments when all I did were to eat, sleep, watch TV, surf the net – a cycle of those. I’m too lazy to talk all day.

Saturday, June 2, 2012

That Feeling When Someone Acknowledges You

Pilit ko mang pigilan ang pagsapit ng panahon na matatapos na ang bakasyon, wala na akong magagawa sapagkat heto na naman ang pasukan. Magsisimula na naman ang mga araw na maagang gigising at maghahanda para sa mga ideyang ituturo sa isang buong pangkat ng mag-aaral na nagnanais makarinig at mag-impok ng kaalaman sa kanilang murang isipan. Heto na, balik ang lahat sa paaralan.

Subalit hindi iyan ang punto ko. Sa nakaraang dalawang buwan na bakasyon, napakaraming nangyari. Nariyan na ang mga araw na ang dala ay sobrang init, mga sandaling walang magawa kung hindi ang manood ng telebisyon, mga pagkakataong ang tanging hiling ay sana pasukan na ulit. Sa dalawang buwan na iyon, ang aking atensyon ay nakatuon sa isang cartoon series na buhat sa mga Hapon. Naruto Shippuden ang pamagat nito.

Inumpisahan kong manood nito sa episode one ng Naruto Shippuden patungkol sa paglalakbay ni Uzumaki Naruto para maging isang Hokage at maibalik sa Konoha ang kaibigan at kasama sa pangkay niyang si Sasuke. Naghanap rin ako ng mga impormasyon at nalaman ko na ikalawang parte na ito ng Manga Series, at ito’y pagpapatuloy ng Naruto Series pakalipas ng dalawa at kalahating taon.

Minsan na akong nakita ni mama na nanonood ng walang tigil at pinagalitan pa ako sapagkat hindi ko man lamang daw pinapahinga ang aking mata at ang laptop. Dagdag niya pa ay para daw akong bata para manood niyon. Subalit gustuhin ko man na itigil ang panonood, hindi ko magawa. Kagaya ng hindi ko pagtigil sa paglalaro ng table tennis kahit ako’y sobrang pagod na. Kagaya rin ng hindi ko maputol na pagbabasa ng mga libro ni JK Rowling.

Kung titignan ang mga episodes nito ay parang isa lamang simpleng palabas na napakatagal matapos at puro labanan lamang ang ipinapakita. Subalit aking tinignang mabuti kung ano nga ba ang totoong nais iparating ng anime na ito? Bakit hindi tumitigil si Naruto na pigilan si Sasuke na sumama kay Orochimaru? At kahit si Sakura ay ganoon rin ang nararamdaman? Napakaraming tanong na nais kong masagutan.

Lahat ng katanungang mayroon ako ay tila nasagutan sa season one pa lamang ng serye. Kung ikaw ay nanonood nito, alam mo na si Naruto sa umpisa ay laging nag-iisa at walang kaibigan sapagkat ang Kyuubi ay nasa kayang katawan na inilagay ng kanyang ama para makontrol ang kapangyarihan nito. Dahil doon, siya’y kinatatakutan ng marami. Ngunit sa taglay na determinasyon ni Naruto ay nagawa niyang makipagkaibigan sa maraming tao at pinapakita sa palabas na marami ang nagmamahal ay may tiwala sa kanya. Pero bakit sobra-sobra naman yata ang ibinibigay niyang atensyon para kay Sasuke. Bakit?

Kung ikaw ay may kaibigan at siya ay malalagay sa kapahamakan, malamang ang gagawin mo ay iligtas siya lalo na kung ang turing mo na sa kanya ay parang isang kapatid.
“Sasuke acknowledges me more than anyone has ever does.” Iyan ang linyang sumagot sa aking mga katanungan.

Nakakatuwang isipin na kahit ang mga eksena sa cartoon na ito ay hindi makatotohanan, pilit ko pa rin itong sinusubaybayan. Nais kong malaman kung hanggang saan ang limitasyon ng “bond” ng kanilang pagkakaibigan. Gusto kong matunghayan kung ano ang gagawin ni Naruto upang maibalik si Sasuke sa Konoha. Mahirap man ang kanyang pagdaraanan, alam kong sa bandang huli ay mananaig pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan.

Isa pa sa mga gusting-gusto ko sa anime na ito ay ang mga nagagawa ng taong may mga pangarap. Bawat isa sa mga tauhan ay may mga pangarap at lahat sila ay nananatiling matatag sa pagtupad ng mga pangarap na ito.

Huli na ito, may isang eksena na hindi ko malilimutan. May linyang binitawan ang mga miyembro ng team ni Gai, “I will be stronger than I was yesterday.” Madaling sambitin ngunit parang ang hirap gawin. Iyan ang gusto kong subukan sa aking buhay. Hindi naman ibig sabihin ay magpapalakas ako sa pisikal na paraan, maaring sa ibang aspeto ng aking buhay. Maaaring iyan ay nagsasabi lamang ng halos kaparehong paraan ng mga katagang “make your weaknesses your strengths.” Maaaring bawat isa sa atin ay may iba pang interpretasyon, ang mahalaga ay kung ano ang gagawin natin upang mapabuti an gating pagkatao.

Ang Naruto Shippuden ay masasabing nilikha para sa mga manonood na bata, subalit hindi niyon limitado an gating mga paniniwala. Maaaring simple lamang ito para sa ilang mga nakakapanood ngunit ito’y maaaring nagbibigay ng inspirasyon sa iba.

Sa kasalukuyan, ako ay nasa season 6 pa lamang. Madami pa akong dapat panoorin. Magkaiba man kami ni Naruto ng mga pangyayari sa buhay, masuwerte ako sapagkat ipinanganak ako na maraming tao ang nagmamahal sa akin.

At least I know in myself that there are those who acknowledge my presence. Masarap sa pakiramdam sapagkat sila ang nagsisilbing dahilan kung bakit tayo ay patuloy na pinapabuti ang ating sarili at sinisikap na maging maligaya sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay.
It gives us comfort, right? When someone acknowledges us.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...